Song info
"Purihin Mo Ang Dios Oh Pilipinas" Videos
Lyrics
(Purian mi, dayawen, oomauon, pagadaygon
Pupurihin, pupurihin Siya)
Mayro'ng mapalad na bayan
Perlas ng Silanganan
Lupaing likas sa yama't kagandahan
Kahit may iba't-ibang wika
Nagbuklod at nagkaisa
Sa pag-aalay ng papuri sa Dios Ama
Sa Pampanga, sila'y umaawit, "Purian mi ing Guinu"
Sa Ilocandia sila ma'y nagsasabi,
"Umay kaun dayawen tau ni Apo"
Purihin mo ang Dios Oh Pilipinas
Isigaw Mo ang kadakilaan ng Pangalan Niya
Bawat Pilipino'y magsama-sama
Anomang wika o kulay
Lahat ay magpugay
Oh bayan kong Pilipinas,
Purihin mo Siya
(Purian mi, dayawen, oomauon, pagadaygon)
Pag-awit ay 'wag kalimutan
Laging nang pasalamatan
Sapagkat ang pag-ibig Niya sati'y walang hanggan
Sa Luzon, Visayas at Mindanao
Karangalan Niya'y ating isigaw
Kaya't bawat isa ay sumama, tayo na
Sambitla ng mga Bicolano, "Oomauon mi an Dios"
'Di rin naman pahuhuli ang mga Bisaya
Sigaw nila'y "Pagadaygon namo ang Dios"
Purihin mo ang Dios Oh Pilipinas
Isigaw Mo ang kadakilaan ng Pangalan Niya
Bawat Pilipino'y magsama-sama
Anomang wika o kulay
Lahat ay magpugay
Oh bayan kong Pilipinas,
Purihin mo Siya
(Purihin mo Siya, Purihin mo Siya)
Purihin mo ang Dios Oh Pilipinas
Isigaw Mo ang kadakilaan ng Pangalan Niya
Bawat Pilipino'y magsama-sama
Anomang wika o kulay
Lahat ay magpugay
Oh bayan kong Pilipinas,
Purihin mo Siya
(Pilipinas, purihin Siya, Pilipinas, purihin Siya)
Purihin mo Siya
(Purian mi, dayawen, oomauon, pagadaygon)
- 0 Bản dịch
Hiện tại chưa có lời dịch cho bài hát này. Bạn hãy là người đầu tiên chia sẻ lời dịch cho bài hát này nhé !
Đăng lời dịch
Recent comments